Sinuspinde ng ilang resort sa Anilao, Batangas ang kanilang mga water activities dahil sa pagputok ng bulkang Taal.
Ayon sa ilan sa mga may ari ng resort, nakakararanas kasi ng mga pagyanig sa ilalim ng dagat.
Dahil dito ay napagpasyahan na pansamantala munang isuspinde ang mga diving activities para sa kaligtasan ng mga divers.
Maliban dito ay kanselado na rin ang mga surfing activities sa lugar.