Namahagi ng mga water tanker at water bladder ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao.
Matatandaang isa ang Siargao sa pinadapa ng bagyong Odette kung saan, maraming pamilya ngayon ang nangangailangan ng malinis na tubig at pagkain.
Ayon sa PRC, ang kawalan ng malinis na tubig ay maaaring magdulot ng pagkalat ng iba’t ibang uri pa ng mga sakit.
Bukod pa dito, posible ding tumaas ang bilang ng mga nasawi sa lugar kung hindi agad matutugunan ang pangangailangan ng mga residente. —sa panulat ni Angelica Doctolero