Nasa 1,000 wheelchairs ang ipinamahagi ng Persons with Disability-Oriented Non-Government Organization na ALAGANG AKAY kasama ng Sol Aragones Foundation.
Bahagi ito ng International Day of Persons with Disabilities na itinakda ng United Nations General Assembly noong 1992 upang ipagdiwang tuwing ikatlo ng Disyembre ng bawat taon.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa sa Santa Rosa City, Laguna nitong linggo.
Inilunsad ang inisyatibo ng ALAGANG AKAY kasama ang Alagang Sol ng dating news reporter at media personality na si Sol Aragones, na nagsilbing kongresista ng ikatlong distrito ng Laguna.
Ayon kay Aragones, napakahalaga ng nasabing programa para sa mga PWD at kanilang mga pamilya na bahagi ng ALAGANG AKAY Community.
Nais anya ng AKAY Foundation na tuparin ang pangarap ng mga PWD na magkaroon ng wheelchair at saklay sa abot ng kanilang makakaya.
Bukod kay Aragones, pinangunahin din ang selebrasyon sa Laguna ni Akay ambassador Dwight Bayona, isang leg-amputee at multi-sport athlete at “chef with no hands” Maricel Apatan.