Ikinatuwa ng mga whistleblower ang napaulat na isasampa na ng Department of Justice ang 3rd batch ng mga kaso na may kaugnayan sa pork barrel fund scam.
Ayon kay Atty. Levi Baligod, isa sa private complainant at abogado rin ng ilan sa mga whistleblower, umaasa sila na tutuparin ni Justice Secretary Leila de Lima ang kanyang pangako na ihahain nila ito sa Ombudsman.
Sa panayam ng DWIZ, kinontra naman ni Baligod ang sinabi ni de Lima kamakailan na kaya nabalam ang pagsasampa ng mga kaso ay dahil natagalan ito sa pangangalap ng ebidensya laban sa mga idinadawit dito.
“Matagal na rin pong kumpleto ‘yung ebidensiya laban sa mga legislators na gumamit sa NCMF [National Commission on Muslim Filipinos] bilang conduit…pati ‘yung ilang LGUs [Local Government Units], nag-umpisa na din po noon ‘yan. Hindi po justified ang delay na nangyayari,” Ani Baligod.
By Jelbert Perdez | Karambola