Posibleng sampahan ng kasong kidnapping ang saksi sa pagkawala higit 30 sabungero sakaling hindi pa sila makipag-ugnayan sa otoridad.
Ayon kay Año, dapat ay boluntaryo nang makipag-ugnayan ang mga ito sa otoridad dahil posibleng makasuhan din sila ng 31 counts ng kidnapping at mauwi sa pagkakabilanggo.
Kabilang sa pinatutungkulan ni Año ang mga security guards at manggagawa sa loob ng mga sabungan.
Paliwanag niya, ang mga ito ang susi para maresolba na ang nasabing kaso sa lalong madaling panahon.
Giit nito buhay ng mga pamilya ng biktima ang apektado rito na posibleng hindi nakakatulog ng maayos sa gabi.
Kaugnay nito, inihayag ni Lucky 8 Star Quest Inc. president Angelo Niño Santos na dadalo sa susunod na pagdinig ng senado ang mga security personnel ng Manila cockfight arena. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles