Sinisi ng pamahalaang lokal ng Naga City Cebu ang Mines and Geo Sciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa landslide na nangyari sa kanilang lugar na ikinasabi ng mahigit na sa 50 katao.
Ayon kay Mayor Kristine Vanessa Chiong, nag inspeksyon pa sa quarrying site ang MGB Region 7 at nagbigay ng clearance sa Apo Cement para sa pagpapatuloy ng kanilang quarrying activities.
Binigyang diin ni Chiong na yung ground zero ngayon o yung landslide area ay hindi kailanman binanggit na landslide prone.
Una rito, sinibak ni DENR Secretary Roy Cimatu ang matataas na opisyal ng MGB Region 7 at ipinag utos ang pansamantalang pagpapahinto sa quarrying activities sa walong rehiyon.
—-