Pinalawig pa ang modified general community quarantine (MGCQ) sa lalawigan ng Maguindanao.
Kasabay na rin ito nang pagpapalabas ng bagong memorandum noong ika-31 ng Oktubre, batay sa direktiba ni Inter-Agency Task Force (IATF) chair at Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Kabilang sa nilalaman ng panuntunan ang pagpapatuloy ng ‘no movement Sunday’, bukod pa sa pagpapatupad ng minimum health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagtutok ng provincial government para ma contain ang COVID-19 sa probinsya.
Samantala, nagbigay na rin ng vitamins, gamot at iba pang tulong ang provincial government sa mga police trainees na kinapitan ng COVID-19.
Una nang nagpositibo sa COVID-19 ang 180 police trainees at tatlong enlisted personnel na nasa Notre Dame, Parang, naka-isolate at inaasahang ngayong linggo ay magtatapos ang quarantine ng police trainees.
Maayos na rin ang sitwasyon ng Iligan City Vice Mayor Jemar Vera Cruz na nagpositibo sa COVID-19.