Posibleng sang-ayunan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi ng Inter-Agency Task Force for the management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Pilipinas sa susunod na buwan.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, matapos aniyang magkasundo ang IATF at Metro Manila Mayors na irekomenda na ang pagluluwag ng quarantine restrictions sa NCR.
Ayon kay Roque, nakatakdang pagpasiyahan ni Pangulong Duterte sa Lunes, ika-20 ng Pebrero, ang ipatutupad na community quarantine sa buong buwan ng Marso.
Iaanunsyo aniya ito ng Pangulo bago matapos ang Pebrero.
Ngayong buwan, nasa ilalim ng GCQ ang Metro Manila, Cordillera Administrative at anim pang lugar habang nasa MGCQ na ang nalalabi pang mga lugar sa bansa.