Pumalag ang mga Senador ng Liberal Party sa sinabi ni Senate President Koko Pimentel na sagabal sila sa legislative work ng Senado.
Iginiit ng Liberal Party Senators na idinipensa nila ang halos 70 porsyento ng mga panukalang batas na malapit nang maipasa.
Bukod pa rito, hindi, aniya, taga-Liberal Party ang mga Chairman ng mga Committee na may hawak at nag-iimbestiga sa ilang priority bill ng administrasyon tulad ng Death Penalty Bill at pagpapababa ng criminal age of responsibility na parehong nasa justice committee na pinamumunuan ni Majority Senator Dick Gordon.
Binanggit pa nila na noong nagbotohan sa 2017 national budget, bumoto laban dito sina Senador Panfilo Lacson at Sherwin Gatchalian na hindi taga-Liberal Party ngunit mga miyembro ng majority bloc.
Gayunpaman, sinabi ng Liberal Party senators na ipinakita nila ang pagiging independent ng Senado nang hindi sila nakisali sa majority sa mga isyu ng paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, extrajudicial killings, imbestigasyon ng bribery scandal sa Bureau of Immigration, at pagpapaimbestiga kay retired SPO3 Arthur Lascañas.
By: Avee Devierte / Cely Bueno