Pinabagsak ang Malaysia Airlines Flight MH-17 ng Ukraine gamit ang buk missile na binili sa pro-Russian area ng eastern Ukraine.
Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng Dutch National Detective Force sa pangunguna ni Wilbert Paulissen.
Ang joint investigation team ay binuo mula sa Netherlands, Australia, Belgium, Malaysia at Ukraine.
Inilabas din ng Russia Defense Minister ang radar data kung saan sinusuportahan ang teorya na inilabas ng mga imbestigador na kagagawan ng mga Ukrainian forces ang pagpapabagsak sa eroplano.
Matatandaang noong July 17, 2014 bumagsak ang Amsterdam-Kuala Lumpur flight sa eastern Ukraine lulan ang 298 katao na kinabibilangan ng 196 Dutch citizens.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters