Bibigyan ng two-hour window ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga airline companies para makarekober at makapagdagdag ng mga flights sa susunod na tatlong araw.
Ito ay matapos ipasara ng MIAA ang apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa loob ng 12 oras.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, bubuksan ang runway 0624 ng NAIA mula ala una y medya hanggang alas tres y medya ng madaling araw bukas, Disyembre a-kuwatro para bigyang daan ang mga recovery flights.
Habang sa Disyembre 5 at 6, dalawang oras ding bubuksan ang runway sa madaling araw para ilaan naman sa extra flights ng mga airline companies hanggang sa maging normal na ang schedule ng mga ito.
Dagdag ni Monreal agad na ring papayagan na makabalik na ng Manila hub ang mga eroplanong inilipat sa ibang lugar sa bansa, oras na magbalik operasyon na ang NAIA.