Humingi ng paumahin ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga pasahero ng Terminal 3 at iba pang airport stakeholders dulot ng perwisyong idinulot ng power interruption na tumama sa paliparan mula alas-11:00 kagabi hanggang kaninang umaga.
Ayon kina DOTr Secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Cesar Chiong, dahil sa pagkawala ng suplay ng kuryente ay nabalam ang mga operasyon sa airport dahil kinailangan pang gawing manual ang check-in at loading ng mga bagahe habang humaba rin ang pila sa immigration.
Samantala, tinatayang 16 international at 15 domestic flights ang apektado ng insidente na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Domestic Flights
Departure
5J 951 Manila-Davao
5J 473 Manila-Bacolod
5J 381 Manila-Cagayan
5J 635 Manila-Puerto Princesa
5J 961 Manila-Davao
5J 991 Manila-General Santos
5J 451 Manila-Iloilo
5J 551 Manila-Cebu
5J 651 Manila-Tacloban
5J 357 Manila-Roxas
5J 481 Manila-Bacolod
5J 851 Manila-Zamboanga
Arrival
5J 2506 Cebu-Manila
5J 3966 Davao-Manila
TK 265 Cebu-Manila
International Flights
Departure
EK 335 Manila-Dubai
QR 929 Manila-Doha
Z2 942 Manila-Kuala Lumpur
TK 265 Manila-Istanbul
5J 929 Manila-Bangkok
5J 813 Manila-Singapore
SQ 915 Manila-Singapore
EK 337 Manila-Dubai
5J 5038 Manila-Nagoya
Arrival
5J 827 Osaka-Manila
Z2 232 Denpasar-Manila
5J 502 Kuala Lumpur-Manila
5J 804 Singapore-Manila
SQ 918 Singapore-Manila
EK 336 Dubai-Manila
Samantala, matapos ang joint investigation ng MIAA at Manila Electric Company (Meralco) ay natukoy na nagkaroon ng problema sa T3 power substation na nagdulot ng power outage.
Kasabay nito, tiniyak din ng MIAA na gumagawa na sila ng mga aksiyon upang maiwasang maulit ang mga kaparehong insidente.