Nanawagan si Senador JV Ejercito na magbitiw na sa pwesto si Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado sa harap na rin ng insidente ng tanim bala sa Ninoy Aquino International Airport.
Paliwanag ni Ejercito, ito ay sa ilalim ng tinatawag na “principle of command responsibility”.
Ayon kay Ejercito, mahalagang maimbestigahan sa lalong madaling panahon ang insidente lalo pa’t mismong mga airport personnel ang sinasabing naglalagay ng bala sa bagahe ng mga travellers.
By: Meann Tanbio I Cely Ortega-Bueno (patrol 19)