Nanindigan si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Angel Honrado na hindi ito magbibitiw sa puwesto sa kabila ng kontrobersya ng ‘tanim-laglag bala’ scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Giit ni Honrado, tanging Pangulong Benigno Aquino III lamang ang may karapatang utusan siyang bumaba sa puwesto.
Binigyang diin ni Honrado na kanyang tatapusin ang kanyang termino kasabay ng 7 buwan pang panunungkulan ng Pangulong Aquino.
Matatandaang nagisa kahapon nang husto si Honrado ng mga senador ukol sa kawalan nito ng aksyon sa mga nabibiktima ng laglag bala scam.
Si Honrado ang pinakamahabang umuupong airport manager sa bansa.
By Ralph Obina | Raoul Esperas (Patrol 45)