Hinamon ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang Philippine Taxi Operators Association na patunayan ang ibinabatong alegasyon laban sa kanya.
Ito ay matapos ihayag ni Philippine Taxi Operators Association President Bong Suntay na posibleng may isang sektor ng transportasyon ang nais protektahan ni monreal sa pagbabawal nito sa mga regular white taxi sa NAIA Terminal 1.
Ayon kay Monreal, dati pa nilang ipinagbabawal ang pagpasok sa arrival area ng NAIA Terminal 1 ng mga regular white taxi.
Iginiit ni Monreal, pribileheyo lamang ang pagpasok ng mga ito sa departure area para maghatid ng mga pasahero.
Aniya, noong Lunes sinimulan na ang nila ang trial sa mahigpit na pagbabawal sa mga white taxi na kumuha ng pasahero sa arrival area ng NAIA Terminal 1 kasunod ng magkakasunod ng mga reklamong natatanggap nila.
“Nasa sa kanya po ‘yun at patunayan niya kung mayroon siyang batayan. Pero andun po siya nang inumpisahan na papasukin sa arrival at nandun si Mr. Suntay at alam niya ang purpose nun. Pero sa ngayon, sa dami ng reklamo ng mga pasahero uunahin kop o ang seguridad ng mga pasahero.” Pahayag ni GM Monreal.