Nagkasundo na ang Manila International Airport Authority (MIAA) at Grab Philippines sa pagpapatupad ng “Airport to Anywhere” Program.
Ito’y upang maglaan ng dagdag na dedicated 200 Grab Accredited Vehicles para tugunan ang inaasahang pagtaas ng demand sa masasakyan ng mga pasahero sa NAIA, lalo ngayong holiday season.
Ayon kay MIAA General Manager Cesar Chiong, maaaring mag-book gamit ang Grab Mobile App o sa Grab Booth nang walang surge charges.
Nakipag-partner anya sila sa nasabing Transport Network Vehicle Service bilang bahagi ng kanilang preparasyon ngayong Christmas season.
Layunin din nitong maibsan ang kinakaharap na mga hamon ng ilang pasahero sa NAIA, partikular ang mga walang sariling sasakyan na nahihirapang mag-commute.