Handa ang Manila International Airport Authority (MIAA) na makipagtulungan sa Bureau of Immigration (BI) para sa case build up sa Immigration officers na dawit sa “pastillas scheme”.
Tiniyak ito ni MIAA general manager Ed Monrel na nagsabi ring handa silang ibigay ang kopya ng CCTV footage sakaling hingin ng BI, bagamat tumatagal lamang ng isang linggo ang storage ng kanilang CCTV footage.
Magugunitang nabuking ang “pastillas scheme” sa senate hearing kung saan sinusuhulan ng Chinese nationals ang mga tiwaling opisyal ng BI kapalit nang pag-escort sa kanila sa pagpasok sa bansa at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).