Muling pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga pasahero na magtungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang mas maaga kaysa sa kanilang nakatakadang flight schedule.
Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero at mahabang pila sa mga Immigration booths ngayong Semana Santa.
Ayon sa Immigration, dapat maglaan ng tatlong oras hanggang apat na oras ang mga air passengers at magtungo na sa paliparan bago ang schedule ng kanilang pag-alis.
Sinabi naman ng ahensya na nagdagdag na sila ng nasa limampu’t pitong (57) mga Immigration officers sa naia para matugunan ang inaasahang padami ng bilang ng mga pasahero ngayong Holy Week.
—-