Ipinag-utos ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagsasagawa ng masusing inspeksyon at paglilinis ng mga pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) .
Ito’y sa kabila ng mga reklamo ng ilang pasahero na sinasabing kinagat sila ng surot sa mga upuan ng NAIA terminals 1 at 2.
Ayon kay MIAA General Manager, Eric Ines agad na inatasan ang mga terminal manager ng paliparan na tugunan ang mga reklamo at gumawa ng report sa loob ng 24 oras upang maresolba ang problema.
Kasunod nito, humingi ng paumanhin ang pamunuan ng MIAA Sa mga biktima at tiniyak na agad na sosolusyonan ang kanilang reklamo.
Samantala, nabatid na nagsagawa na ng scheduled disinfection sa mga pasilidad ng naturang paliparan at inalis na rin ang mga upuan na sinasabing pinamumugaran ng mga surot. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma