Pinalalahanan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga airline companies na tiyaking ligtas at maginhawa ang lahat ng kanilang mga biyahe bago pa man ang Semana Santa.
Ayon kay Monreal, simula ngayong linggo, kanilang inaasahang magsisimula na ang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Binigyang diin ni Monreal, dapat na mahigpit na sundin ng mga airline companies ang nakatakdang departure at arrival schedule ng kanilang mga eroplano.
Kasabay nito, pinayuhan din ng opisyal ang mga pasahero na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa mga paliparan para maiwasan na ring maantala sa biyahe.
—-