Inaabisuhan ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang lahat ng mga pasaherong patungo at mula Hong Kong na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga airline companies.
Kasunod naman ito ng pagkakansela ng ilang mga biyahe papuntang Hong Kong at pabalik dahil sa mas tumitinding kilos protesta kung saan sumama na umano sa rally ang ilang airport personnel doon.
Batay sa tala ng MIAA, siyam (9) na flights patungong Hong Kong at pabalik ang kinansela ng Cathay Pacific kahapon, Agosto 5.
Habang apat na flights naman sa philippine airlines at dalawa sa cebu pacific.
Kaugnay nito, hinimok ni Monreal ang ng airline operators na planuhing mabuti ang mga biyahe ng kani-kanilang mga eroplano sa Hong Kong at isaalang-alang ang sitwasyon doon.
Samantal, hinihintay naman ng miaa ang ipalalabas na abiso ng mga airline companies para sa kanselasyon ng biyahe sa Hong Kong ngayong araw.
with report from Raoul Esperas (Patrol 45)