Humingi ng paumahin sa publiko ang Manila International Airport Authority o MIAA matapos tamaan ng panibagong power outage ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ayon kay MIAA officer-in-charge Bryan Co, bagama’t walang nakansela flights ay may pitong biyahe naman ang na-delay dahil sa insidente.
Sinabi ni Co na nagkaroon ng bahagyang power interruption na nakaapekto sa terminal kung saan agad ding naibalik ang suplay bandang alas- 1:29 ng hapon.
Una nang ipinaliwanag ng MIAA na naiwan ng isang Meralco personnel ang isang testing cable sa isa sa mga electric equipment na nagdulot ng power interruption.
Matatandaan na noong Enero 1 ngayong taon ay nagkaroon naman ng system glitch sa NAIA na nakaapekto sa daan-daang flights at anim na pu’t limang libong pasahero.