Binalaan ng MIAA o Manila International Airport Authority ang mga magtatangkang umabuso sa libreng terminal fee para sa mga OFW’S o Overseas Filipino Workers.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, may inihanda silang parusa para sa mga sinumang magtatangkang manloko para lamang makalibre sa terminal fee.
Una rito, lumagda ng memorandum of agreement ang mga ahensya ng pamahalaan at mga airline companies para sa otomatikong pagtanggal sa P550.00 terminal fee kapag bumibili ng ticket sa ticketing center ang mga OFW’S.
Sa ngayon ay sa person to person purchasing pa lamang epektibo ang libreng terminal fee subalit ipatutupad na rin ito sa airline ticketing pagsapit ng Hunyo.,
PAKINGGAN: Si MIAA General Manager Ed Monreal sa panayam ng DWIZ
By Len Aguirre