Nakahanda na ang MIAA o Manila International Airport Authority sa pagdagsa ng libu – libong pasahero na lalabas at papasok ng bansa para sa paggunita ng semana santa.
Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, magpapatupad sila ng mas mahigpit na seguridad sa paliparan at bubuo sila ng ‘contigency plan’ para tulungan ang immigration officers sa pagsasaayos ng pila sa kanilang hanay.
Target din aniya nilang maging ‘hassle- free’ ang biyahe ng mga pasahero ngayong holy week.
Dagdag pa ni Monreal, nakikipag – ugnayan na sila sa mga airlines at mga private security agencies para masigurong handa ang mga ito na maserbisyuhan ang mga pasahero.