Ipinananawagan ngayon ni House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento ang pagbibitiw sa pwesto ng mga opisyal ng Manila International Airport Authority o MIAA.
Iginiit ni Sarmiento na dapat mayroong managot sa naganap na blackout sa NAIA Terminal 3 kung saan libu-libong pasahero ang naperwisyo at naapektuhan din ang flights maging ang kabuuang operasyon ng paliparan.
Ayon kay Sarmiento, mainam kung magsumite na ng resignation letter ang MIAA officials at bahala na si Pangulong Benigno Aquino na magpasya kung tatanggapin o hindi ito.
Kumbinsido si Sarmiento na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng MIAA bukod pa sa hindi handa sa panahon ng emergency.
By Meann Tanbio