Tinapos na ng MIAA ang kontrata nito sa Miascor Ground Handling Corporation.
Kasunod na ito ng insidente nang pagnanakaw sa bagahe ng isang OFW mula sa Canada na nakuhanan ng 82,000 pisong halaga ng mga item sa Clark International Airport.
Sa kaniyang written notice na naka address kay Miascor President Fidel Herman Reyes inutusan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang kumpanya na umalis na sa airport complex at terminals sa loob ng anim napung araw.
Nakasaad din sa notice na nag expire na nuong March 2017 ang tatlong taong lease and concession agreement ng dalawang partido.
Hindi naman masabi ni Monreal kung ilang empleyado ang apektado ng nasabing pangyayari subalit nakunsidera naman na anila ito.