Umapela ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga locally stranded individuals (LSI)’s na umaasang makakabalik sa kanilang mga probinsya na huwag magtungo ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggat walang kumpirmadong flights.
Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na nagulat sila sa pagdagsa ng LSI’s na grupo grupo at nanatili hanggang magdamag sa NAIA sa pag asang makakakuha ng walk in flight bookings.
Ayon kay Monreal nakausap nila ang lSI’s na nagkuwento na isang lider nila ang nagsabi sa kanilang matungo na sa NAIA 2 dahil mayruon nang flight na magdadala sa kanila sa kanilang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.
Tumatanggi aniyang umalis ng Terminal 2 ang mga naturang LSI’s na nagsabing hihintayin na lamang nila kung kailangan magkakaruon ng flight.
Nangangamba si Monreal sa kalusugan ng mga naturang LSI’s kapag tumagal pa ang mga ito sa labas ng airport.