Tuluyan nang hindi makakapaglaro sa mga natitira pang bahagi ng NBA season si Miami Heat Forward Chris Bosh.
Inanunsyo ng Heat na kailangan pang sumailalim sa serye ng gamutan si Bosh.
Matatandaang Pebrero pa ng huling naglaro para sa koponan si Bosh dahil sa blood clot sa kaliwang binti nito.
Ayon kay heat guard Dwyane Wade, ang mahalaga sa ngayon ay masiguro ang kalusugan ni Bosh.
By Ralph Obina
Photo Credit: Issac Baldizon/NBAE/Getty Images