Nasungkit ng Miami Heat ang ika-apat na sunod nilang panalo.
Ito ay matapos idispatsa ng Heat ang kalabang Atlanta Hawks sa iskor na 105-87.
Nag-init nang husto sa laro si CHRIS Bosh para pangunahan ang Heat sa pamamagitan ng kanyang 18 puntos na sinegundahan naman ni Dwyane Wade na nakapag-ambag ng 17 points.
Samantala, bigo naman sina Paul Millsap at Al Horford ng Atlanta upang mapigilan ang pag-alagwa ng Heat.
By Ralph Obina
*Photo Credit: Jim Rassol / Sun Sentinel