Nilampaso ng Miami Heat ang Phoenix Suns sa nba matapos lumamang ng 20 puntos sa iskor na 100-123.
Lumamang sa 1st, 2nd at 4th quarter ang Miami kung saan, nanguna sa panalo ng koponan si Tyler Herro na nakapagtala ng 33 points, 5 rebounds at 3 assists.
Samantala, nasayang naman ang 26 points, 4 rebounds at 3 assists na pinakawalan ng Suns player na si Devin Booker.
Abangan ang susunod na laro ng miami sa Huwebes, January 13, 2022 kung saan, kanilang makakalaban ang Atlanta Hawks, alas-8:30, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero