Pinataob ng Miami Heat ang Atlanta Hawks sa iskor na 115-91.
Ito’y kahit na 6 na sa mga Heat players ang hindi nakalaro dahil sa injuries at iba pa.
Bumida sa naturang laro na si Tyler Herro na may kabuuang 21 points at 11 assists, na sinundan naman agad ni Caleb Martin na nag-ambag ng 18 points.
Sa kampo ng Atlanta nag-ambag ng puntos si John Collins na may 16 points at Trae Young na may 15 points.
Ito na ang ika-4 na panalo ng Heat mula sa kanilang huling 7 mga laro para iposte ang 26-15 record.