Aapela ang Miascor Ground Handling Corporation sa Pangulong Rodrigo Duterte matapos tapusin ng NAIA ang kanilang kontrata sa mga paliparan sa bansa.
Sinabi ng Miascor na apat na libong (4,000) regular employees nila at pamilya ng mga ito ang apektado sa nasabing contract termination.
Ayon sa Miascor, ang ginawa ng anim nilang empleyado sa Clark International Airport ay hindi sumasalamin sa buong kumpanya at kung paano ito mag-operate.
Binigyang-diin ng Miascor na 1974 pa nang magsimula silang magsilbi sa mga pangunahing paliparan sa bansa kabilang ang NAIA.
Muli ding humingi ng paumanhin ang Miascor kay Jovenil Dela Cruz, ang Overseas Filipino Worker (OFW) na ninakawan ng gamit ng mga naturang empleyado ng kumpanya.