Tuloy ang pagrepaso ng MICC o Mining Industry Coordinating Council sa mga pinasok na kontrata ng pamahalaan sa mga mining companies.
Tiniyak ito ni Finance Undersecretary Bayani Agabin, legal affairs head ng MICC matapos ibasura ng Commission on Appointments o CA ang nominasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Kasalukuyang isinasalang sa review ng MICC ang may pitumpu’t limang (75) kumpanya ng minahan na ipinasara, kinansela o pinatawan ng suspensyon ni Lopez dahil sa di umano’y paglabag sa batas ng pagmimina.
Anakpawis pinababantayan ang mga ipinasarang minahan ni dating DENR Sec. Gina Lopez
Pinababantayan ng Anakpawis ang mga ipinasarang minahan ni dating DENR Secretary Gina Lopez.
Nagpahayag ng pangamba si Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao na baka samantalahin ng mga mining companies ang hindi pagpasa ni Lopez sa Commission on Appointments.
Ito anya ang mga panahon na dapat maging mapagbantay ang taongbayan lalo na ang mga mamamayan sa lugar kung saan talamak ang paglabag ng mga minahan.
By Len Aguirre |With Report from Aileen Taliping / Aya Yupangco