Target ngayon ni Filipino ice skater Michael Christian Martinez na magtagumpay sa 2017 Southeast Asian Games.
Ito ang kauna-unahang pagsali ng ice skating at ice hockey sa nasabing palaro na gaganapin sa Kuala Lumpur Malaysia.
Ayon kay Martinez na bagamat pressured siya sa pagsali ay hindi niya hahayaan na pangunahan siya ng pressure.
Nasa pang-19 overall ang ranking ng 19-anyos na Pinoy skater sa World Ice Skaters.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: GMA/ Jessica Bartolome