Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating senior deputy executive secretary Michael Pastores Ong bilang bagong associate justice ng Court of Appeals.
Ang appointment letter galing sa Malacañang ay noong pang May 2021 ngunit kahapon lamang ito nakuha ng tanggapan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo.
Kaninang umaga ay pormal na manumpa si Ong sa harap ni Chief Justice Gesmundo.
Pinalitan ni Ong si former Appellate Court Magistrate Samuel Gaerlan na na-appoint sa Supreme Court noong 2020.