Handang dumalo sa Senate inquiry hinggil sa overpriced umanong pandemic supplies si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.
Kinumpirma ni Atty. Raymond Fortun, Legal Counsel ni Yang, na kasalukuyang nasa bansa ang kanyang kliyente na dadalo sa pamamagitan virtual conference, simula ngayong araw.
Humiling naman si Fortun ng interpreter para sa negosyante dahil hirap itong magsalita ng ingles at tagalog.
Nito lamang Martes ay nag-issue ng warrant of arrest ang Senate Blue Ribbon Committee laban kay Yang at sa limang opisyal ng pharmally pharmaceuticals dahil sa kabiguang dumalo sa imbestigasyon.—sa panulat ni Drew Nacino