Hindi sumipot sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang dating Presidential Economic Adviser at negosyanteng si Michael Yang.
Ayon kay Atty. Raymund Fortun, abogado ni Yang, tumaas ang blood pressure ni Yang kaya’t pinayuhan ito ng kaniyang mga doktor na magpahinga na lang muna.
Suportado aniya iyon ng medical certificate na siyang isinumite naman nila sa Senate Blue Ribbon Committee na nasa ilalim ng tanggapan ni Sen. Richard Gordon.
Pero ayon kay Gordon, duda siya sa palusot ni Yang dahil sa palagay nito na nasa maayos siyang kalagayan at kinakailangan niyang humarap sa pagdinig. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)Â