Naging emosyunal ang dating aktres na si Michelle Madrigal sa kaniyang oath taking matapos na opisyal na maging US citizen.
Sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ni madrigal ang kaniyang experience nang manumpa siya sa nasabing ceremony.
Ayon sa aktres, wala siyang ibang iniisip habang ginaganap ang oath taking kundi ang kaniyang anak na si Anika.
Agosto ng i-anunsyo ng dalawa na sila ay magdi-divorce, ngunit noong November isiniwalat ni Michelle na sila ay nananatili pa ring magkasama sa iisang bahay para sa pag-aalaga ng kanilang anak. –sa panulat ni Airiam Sancho