Masasaksihan mamayang gabi ang full moon kasabay ng ‘Friday the 13th’.
Ayon sa mga astronomers, 20 taon na ang nakakaraan mula nang magkasabay ang ‘Friday the 13th’ at full moon.
‘Micromoon’ o mas maliit sa ordinaryong full moon ang masasaksihan mamayang gabi at 13% ding mas madilim kumpara sa ordinaryong full moon.
Samantala, Full Harvest Moon naman kung tawagin sa northern hemisphere ang September full moon dahil nagaganap ito malapit sa peak ng fall harvest season.
Sinasabing nakakatulong ang liwanag ng buwan sa mga magsasaka na nagta-trabaho sa gabi.