Uubra nang matanggap sa Mayo 15 ng halos dalawang libong government workers ang kanilang mid-year bonus ngayong taon katumbas ng isang buwang sahod ng mga ito.
Kabilang sa makakakuha ng mid-year bonus ang mga empleyado na nakapag-trabaho na sa pamahalaan ng apat na buwan pataas at mga nakakuha ng satisfactory performance rating sa kanilang appraisal period.
Umaabot sa P 36.2 billion ang inilaang budget ng gobyerno para sa nasabing mid-year bonus ng mga government employee na nakapaloob sa 2018 national budget.
Mid-year bonus para sa mga kawani ng gobyerno, matatanggap na simula Mayo 15, 2018 pic.twitter.com/ipZ7HFswup
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 9, 2018