Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) ang halos 2 bilyong pisong pondo para sa mid-year bonus ng mga pulis at civilian employees.
Kasunod ito ng anunsyo ng Malacañang na i-release ang mid-year bonus para sa 155,000 active duty uniformed and non-uniformed personnel.
Ayon kay PNP Directorate for Comptrollership Chief Police Director Rolando Purugganan, nai-credit na nila sa ATM payroll accounts ng mga pulis at civilian employees ang nasabing mid-year bonus.
Makakatanggap naman ng tseke sa pamamagitan ng regional finance service offices ang mga pulis na hindi pa enrolled sa ATM payroll.
Ang mid-year bonus ay kakatawan sa 50% ng kanilang 13th month pay at iba pang cash benefits batay sa batas para sa lahat ng government workers.
By Judith Larino