Mariing itinanggi ng Malacañang ang umano’y pagkakaroon ng Midnight Appointment ni Pangulong Noynoy Aquino.
Reakasyon ito ng palasyo makaraang lumabas ang ulat hinggil sa pagtatalaga ng mga bagong hukom ng Pangulo nuong buwan ng Marso na saklaw ng umiiral na Appointment Ban.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, alinsunod sa batas ang lahat ng mga ginagawang aksyon ng Pangulo at hindi nito gawain ang magdoktor ng appointments.
Magugunitang ginawa ang oath taking sa mga bagong hukom nuong isang buwan na sakop na ng appointment ban ngunit pinalitaw sa dokumento na Marso a-otso isinagawa ang panunumpa.
By: Jaymark Dagala