Umarangkada na ang Midnight COVID-19 vaccination sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Manila Public Information Office, tuwing 10pm hanggang 5am ang “walang tulugang” bakunahan.
Target sa midnight vaccination ang mga kargador, pedicab at ‘kuliglig’ drivers maging ang mga nagbabagsak ng mga paninda sa Maynila mula Central, Northern at Southern Luzon.
Binisita naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang Claro M. Recto Avenue kung saan sinimulan ang midnight vaccination drive para sa mga nagtitinda, pahinante, kargador at pedicab driver sa Divisoria.
Bukod sa Maynila, mayroon ding 24-hour vaccination sa Taguig city. —sa panulat ni Drew Nacino