Matatanggap na ng mga pulis simula sa Martes, Mayo 17 ang kanilang midyear bonus.
Ayon kay Acting PNP Chief, Lt. Gen. Vicente Danao Junior, ilalabas na ang 7.3 billion pesos na pondo para sa midyear bonus ng nasa 222,787 personnel ng Philippine National Police (PNP).
Ang naturang halaga anya ay bahagi ng budget ng PNP kada taon.
Katumbas ang naturang bonus ng isang buwang sahod ng mga pulis na matatanggap sa pamamagitan ng Landbank ATM payroll accounts.
Alinsunod sa Tax Reform Accelaration and Inclusion Law, anumang bonus na higit sa 90,000 pesos ay papatawan ng Withholding Tax.