Sangkot sa pamumugot sa mga Kidnap Victims at pagpatay sa Pitong iba pa ang isa sa mga miyembro ng Maute Group na nasawi sa military operation sa Butig, Lanao del Sur.
Kinilala ang nasawing suspek na si Azam Ampuat Taher na kabilang sa Tatlumput Pitong miyembro ng Maute Group na kumpirmadong napaslang sa ikalawang bugso ng operasyon laban sa terror group
Ayon sa Militar, si Taher ay suspek sa pagpaslang sa Apat na sibilyang kristyano at Tatlong sundalo bukod pa sa sangkot sa pamumugot sa Dalawang dinukot na christian civilians.
By: Judith Larino