Pumayag na ang Mighty Corporation na magbayad ng tatlong (3) bilyong pisong multa na bunsod ng pamemeke nila ng tax stamp.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon kay Aguirre, nais ng Mighty na maayos na ang kanilang kinasangkutang isyu at makapagpatuloy na ng kanilang operasyon sa bansa.
Dagdag ni Aguirre, nakahanda rin sumunod ang Mighty sa proseso ng pamahalan para maging legal ang kanilang operasyon sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Aguirre na kailangan pa ring sampahan ng kaso ang Mighty Corporation bago ang compromise deal.
By Krista de Dios | Report from Bert Mozo (Patrol 3)