Nagsumite na ng kanilang kontra salaysay sa DOJ o Department of Justice ang kontrobersyal na may-ari ng Mighty Corporation na si Alexander Wongchuking.
Ito’y makaraang humarap si wongchucking sa prelimenary investigation ng doj hinggil sa tax evasion case na isinampa laban sa mighty corporation na nagkakahalaga ng halos dalawamput pitong bilyong piso.
Ayon kay Atty. Abraham Espejo, abogado ng Mighty, iligal ang ginawang paghalughog ng Bureau of Customs sa warehouse ng Mighty sa san Ildefonso sa Bulacan.
Dahil iligal ang proseso ng ginawang raid, hindi maaaring tanggapin bilang ebidensya ang anumang nasamsam mula sa nasabing operasyon.
Kasunod nito, hiniling din ng Mighty na pagsama-samahin na lamang ang tatlong tax evasion case na isinampa laban sa kanila ng BIR o Bureau of Internal Revenue.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo