Sinampahan ng BIR sa Department of Justice ang Mighty Corporation ng panibagong tax evasion case.
Ito’y dahil umano sa kabiguan ng Mighty Corporation na magbayad ng excise tax na nagkakahalaga ng P26.93 Billion.
Nag-ugat ang panibagong reklamo sa ikinasang operasyon ng Bureau of Customs nuong March 24 sa mga warehouse ng Mighty Corporation sa San Ildefonso, Bulacan kung saan nasamsam ang mahigit 81.5 Million cigarette packs o mahigit 163 Libong master cases ng sigarilyo.
Kasama sa mga sinampahan ng reklamong paglabag sa section 263 at section 265, paragraph C, ng National Internal Revenue Code of 1997 sina Mighty Corporation President Edilberto Adan na isang retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines; Executive Vice President Oscar Barrientos na isang retiradong hukom; Vice President for External Affairs at Assistant Corporate Secretary Alexander Wongchuking; at Treasurer Ernesto Victa.
Ang unang reklamong tax evasion laban sa Mighty corporation ay inihain ng BIR nuong March 22 dahil sa hindi rin nabayarang excise tax na nagkakahalaga ng mahigit 9 Bilyong Piso.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo