Dumagsa ang mga migrants sa Budapest Keleti Rail Station kahapon matapos itigil ng mga pulis doon ang pagharang sa main entrance nito kung saan napuno ang mga train sa kabila ng anunsyo na walang biyahe patungong western Europe.
Sinabi ng Hungary railway company na suspendido ang biyahe ng lahat ng direct trains mula Hungarian Capital.
Sa Greece naman, na rescue ng Coast Guard ang daan-daang mga migrants mula sa dagat na sinusubukang marating ang Greek Islands malapit sa Turkish Coast.
Nasa gitna ng lumalalang migrant crisis ang Europe ngayon dahil sa pagbaha ng mga refugees na mula sa magulong Iraq at Syria.
By Mariboy Ysibido