Makatatanggap ng dagdag-sahod ang migrant workers sa Taiwan epektibo nitong nakalipas na August 10.
Ayon sa DOLE, kabilang sa mga makakakuha ng dagdag-suweldo ay mga bagong dating at mga pumirma ng bagong kontrata pagkatapos ng August 10.
Ipinabatid ng POLO o Philippine Overseas Labor Office na P6,000 ang dagdag-suweldo ng migrant workers tulad ng mga Pilipino mula sa dating 31,000 pesos.